Kotse sumabog, 15 nadale
Jersey Sanchez
Mar 30, 2019
1 min read
LABINLIMA katao ang nasawi sa pagsabog ng kotse malapit sa mga hotel at restoran sa Mogadishu, Somalia.
Naganap ang pagsabog sa Maka Akl-Mukarama kung saan ito ang naging dahilan ng pagkasira ng ilang kalapit na gusali, gayundin nagdulot ito ng matinding trapiko.
Gayunman, wala pa ring grupo na umaako sa naganap na pagsabog.
Matatandaang, regular target na ang MOgadishy ng Al-Shabab, isang Al-Qaeda affiliated group na matagal nang kumakalaban sa gobyerno.





Comments