Pahiwatig na sa ibang bansa susuwetehin

Salaminin natin ang panaginip ni Lina ng Avelina_Rose@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin nang nagbihis daw ako, tapos, pumunta ako sa airport at sumakay ng airplane, as in, mag-a-abroad daw ako, pero, nagtataka ako kasi wala akong dalang gamit na kahit ano.
Noon ko pa gustong mag-abroad dahil dito sa atin ay walang pag-asang umasenso dahil maliit lang ang suweldo.
Sana, masagot ninyo ang aking katanungan.
Salamat!
Naghihintay,
Lina
Sa iyo Lina,
Dumating na ang takdang-panahon para tuparin mo ang iyong pangarap na makapag-abroad. Kaya simulan mo na ang pag-aayos ng iyong mga papeles, huwag mo na itong patagalin pa dahil muli, ngayon na ang tamang panahon para makapag-abroad ka.
Minsan, matagal bumalik ang panahon, kumbaga, ang takdang-panahon ay pabalik-balik lang kaya huwag mo ng hintayin pa ang susunod na pagkakataon para makapunta ka sa ibang bansa.
Pakinggan mo ang mensahe ng iyong panaginip, ngayon ka na dapat mag-abroad. Kung magagawa mo ito, magugulat ka dahil ang mga suwerte mo na nasa malayo na naghihintay sa iyo ay mayayakap mo na rin.
Kabilang sa suwerte ng tao ay ang kanyang mapapangasawa, ibig sabihin, sa abroad mo makikilala ang iyong future husband.
Muli, ikaw ay pinag-a-abroad ng iyong panaginip. Bilisan mo dahil tulad ng nasabi na, matagal kung minsan ang pagbabalik ng takdang-panahon.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments