Bultu-bultong shabu dagsa sa ‘Pinas


SA loob lamang ng isang linggo, P3 bilyong halaga na ng iligal na droga ang nasamsam.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isa sa maaaring dahilan ay ang kawalan ng parusang bitay sa bansa.
Malakas ang loob ng mga dayuhan na magpuslit ng droga.
Kaya patuloy ang pagsulong ng ahensiya sa pagbabalik ng death penalty sa kasong droga, partikular sa drug trafficking, smuggling at manufacturing.
Kung nakalusot ang bultu-bultong shabu, ilang buhay na naman ang masasayang?
May biktima na naman ng panggagahasa at pagpatay.
At habang may mga nalululong sa iligal na droga, may mga nagpapakalunod din sa pera at kapangyarihan.
Sa mahigit 60,000 personalidad na minamanmanan na maaaring sangkot sa iligal na droga, kabilang umano sa mga ito ang 13 hukom, 10 piskal at 31 celebrities na patuloy na pinagtitibay ang mga ebidensiya.
Bagama’t, aminado ang mga awtoridad na napakahirap mag-validate kung saan ang kalalabas na listahan ng 46 narco-politicians ay inabot umano sila ng mahigit isang taon sa beripikasyon ng intelligence information.
Samantala, ilan sa mga artistang nasa watchlist ay karaniwan umanong gumagamit ng cocaine at hindi aakalaing adik kung pagbabatayan ang kanilang imahe sa telebisyon.
Ang mga hukom naman ay nagbabasura ng mga reklamo sa droga kaya halos walang umuusad na kaso.
Kung ganito kalala ang sitwasyon, kaya pa bang magtagumpay ang war on drugs?





Comments