Parehong tumatakbong senador… JV, BAD TRIP NA TAGILID DAHIL KAY JINGGOY


NILINAW ni Sen. JV Ejercito na hindi pa sila nagkakaayos ng kapatid na si former Sen. Jinggoy Estrada, taliwas sa mga naglabasan na okay na sila nang magtaasan sila ng kamay sa isang kampanya recently sa Pampanga.
“Hindi pa naman,” sey ni Sen. JV sa dinner tsikahan with the entertainment press last Tuesday. “Soon, sana. Mas si tatay muna. Kami muna ni Mayor Erap (Estrada). Tingnan natin, we’ll see in the future.”
Sila raw ng ama niya ay medyo okay na. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama last year dahil na rin sa pulitika.
“Okay-okay na,” paglalarawan ni Sen. JV sa estado ng relasyon nilang mag-ama ngayon, “nagkita na kami. Matagal kaming hindi nagkausap kasi nga, noong una, hindi ako pabor na dalawa kaming (ni Jinggoy) pinayagan na tumakbo (as senators).
“Kasi ‘yung chances of winning ko, naapektuhan, eh. Kasi, nanghinayang din naman ako. Sabi ko, ang ganda naman ng performance ko nu’n. Sana lang, pinatapos (ang termino ko), kaya lang nandiyan na ‘yan, eh.”
Aminado naman ang senador na malaki talagang epekto sa kanila ang magkapatid silang tumatakbo ngayon and it showed sa recent survey kung saan ay medyo bumaba nga siya.
“First time in history ‘to na dalawang pamilya, sabay. Mahirap talaga. Kahit konsehal or board member or kagawad, ‘pag dalawang members ng pamilya, sabay tumakbo, hindi ginagawa, eh. Kasi maghahati talaga, eh, medyo malilito (ang botante). Medyo challenging itong sitwasyon ko,” saad ng re-electionist.
Kaya nga aniya, he’s banking on his performance na lang, na sana raw ay maalala ang kanyang mga nagawa tulad ng kapapasa lamang na Universal Health Care na nagsasaad na ang lahat ng Pilipino ngayon ay otomatiko nang miyembro ng Philhealth.
Bagama’t may mga hindi sila pagkakaintindihang mag-ama, ani JV ay hindi naman nito mababago ang katotohanang ama niya pa rin si Mayor Erap.
“I owe a lot to him – buhay ko, kung saan ako, ‘di ba? So, siyempre, nasaktan ako nu’ng ano, hindi naman mawawala ‘yun, eh. Pulitika lang ‘to,” he said.
Nalulungkot daw siya na ngayon pa sila nagkaroon ng gap na mag-ama sa edad nitong 82.
“Siyempre, ‘pag ganu’ng age, gusto mo nang i-maximize, you’ll spend more time with your parents, kasi hindi mo alam kung hanggang kailan, eh, you have to maximize. Parang ngayon pa kami nagkaroon ng ganitong gap nang matagal. Pero kaya nga happy ako na finally, at least, nagkausap na rin kami noong isang linggo, and siguro, it’s a good start,” saad ni Sen. JV.





Comments