3 katao sugatan sa van
CAPIZ—Tatlo katao ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng van ang puwesto ng tindahan ng prutas, kamakalawa sa Bgy. Mianay, Sigma sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Marilyn Esico, Shiela Villasoto at isang bata na hindi na pinangalanan na pawang residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng van si Jurel Solitario kaya nabangga nito ang fruit stand na kinaroroonan ng mga biktima.
Ginagamot na sa ospital ang mga biktima, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury si Solitario.





Comments