top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 tulak patay sa shootout

Pabs Hernandez III
Mar 19, 2019
1 min read

CEBU—Dalawang drug pushers ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Talisay sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Jesson Aninon at Aldrick Depariene, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid na darakpin sana ng pulisya sina Aninon at Depariene sa drug-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.

Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang dalawang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page