top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 magsasaka tiklo sa marijuana

Pabs Hernandez III
Mar 19, 2019
1 min read

QUEZON—Dalawang magsasaka ang inaresto ng pulisya dahil sa pagtatanim ng marijuana, kamakalawa sa Bgy. Gulang-Gulang, Lucena City sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Alan Omanga at Michael Lavarro, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, ilang residente ang nag-report sa pulisya na may tanim na marijuana sina Omanga at Lavarro sa private farm kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang dalawang suspek.

Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page