Bigtime tulak dedo sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 16, 2019
1 min read
CEBU—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bulacao, Talisay sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Rene Mantosa, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Mantosa sa drug-bust operation, pero nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Mabilis namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments