top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Walang paki sa mga bashers… SIGAW NI ARJO: MAINE, WORTH FIGHTING FOR!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2019
2 min read

MASAYANG-MASAYA si Arjo Atayde sa buhay niya ngayon mapa-career man o love life.

Sa kanyang career, heto’t after 7 years na pag­susuporta sa mga lead stars, finally ay nabigyan na siya ng pagkakataong magbida sa digital series na Bagman ng iWant, Dreamscape Digital at Rein Entertainment.

Sa kanyang love life naman, well, hindi lingid sa kaa­laman ng lahat na masaya silang nagmamahalan ni Maine Mendoza na recently nga ay very proud na ring uma­min sa buong mundo that they’re dating at inisa-isa pa ang mga dahilan kung bakit siya nagustuhan.

“Masaya po ako. I’m very, very, very happy, I’m contented,” sey ni Arjo sa presscon ng Bag­man, ang pinagbibidahan niyang digital series na mapapanood sa iWant.

When asked kung napag-usapan ba nila ang bagay na ito bago ilabas ni Maine sa kan­yang blog, ayon kay Arjo ay hindi at personal decision daw ito ng dalaga.

Kahit nga sa gitna ng kali­ga­ya­han niya ngayon ay may mga bashers pa rin, ayon sa aktor ay hindi ito mahalaga.

“I am very, very happy and I think, that’s what matters now. My career, ABS-CBN is taking care of me, my personal life is good, my family is fine, they’re all very good, so I’m very happy. Kuntento po ako ngayon, sobra!” pahayag pa ni Arjo.

At kahit nga maraming bashers, talaga namang ipinag­laban din ni Arjo si Maine at sey nga niya nang mahingan ng komento tungkol dito, “As I’ve said last time, she’s worth fighting for, so dedma na lang siguro. I’m happy nga, eh, tulad nga po ng sinabi ko kanina, kuntento na po ako. I’m just really happy, and I see her happy, and I think it’s all that matters to me.”

Diretsong natanong din si Arjo kung siya ba ang dahilan ng pagkabuwag ng AlDub (Alden Richards and Yaya Dub) love team, at ayon sa aktor, “Ay, hindi ko po alam ‘yun, but I’m on a personal side. ‘Yun lang po ang masasabi ko.”

Samantala, sobrang proud si Arjo sa Bagman kung saan ay gumaganap siya bilang ordinary ngunit madis­karteng barbero na kumakayod para sa pamilya subalit naipit sa isang ilegal na gawain para mabuhay ang kan­yang pamilya.

Ipinrodyus ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment ang Bagman kung saan kasama rin sina Allan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre at Raymond Bagatsing.

Ang 12-part series na ito ay isi­nulat at idinirek ni Shugo Praico at nilikha naman nina Lino Cayetano, Philip King at Shugo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page