Video kumalat… GINAWA NINA RAYVER AT JANINE SA B-DAY PARTY NI GERALD, PINAGPIYESTAHAN

Nitz Miralles / BIDA

ISINAMA pala ni Rayver Cruz si Janine Gutierrez sa birthday party ni Gerald Anderson organized by Bea Alonzo. May video na nag-duet ang dalawa ng Bakit Ngayon Ka Lang? na ikinakilig ng mga bisita ni Gerald. Of course, sobra ring kinilig ang JanVer fans ng dalawa.
Ang sweet nina Rayver at Janine na in fairness, lagi naman silang sweet. Ang nakakatuwa pa, mukhang unti-unti nang nakaka-move on si Rayver sa pagpanaw ng ina dahil dumadalo na siya sa mga parties at kumanta at sumayaw pa nga.
Dahil sa napanood kina Rayver at Janine, mas dumami ang nagri-request sa GMA-7 na pagsamahin sa isang show ang dalawa. Ang wish nila, pagkatapos ng Dragon Lady nina Janine at Tom Rodriguez, sina Rayver at Janine naman ang pagtambalin.
Samantala, paalis pala si Janine for London dahil a-attend sa launching ng isang perfume. Aalis din siya sa May for the States naman para dumalo sa wedding ng isa niyang kaibigan. Parang sasamahan siya ni Rayver kaya hindi nila mami-miss ang isa’t isa.





Comments