top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Yellow lane policy, lalong paiigtingin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2019
1 min read

KASABAY ng pagluwag ng trapiko sa ilang lugar, patu­loy naman ang pagbibigay-solusyon sa EDSA.

Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) na sundin ang mga batas-trapiko, partikular ang mga itinakdang lane.

Binanggit ng ahensiya ang mga city bus na dapat manatili sa yellow lane.

Ang pagpapaigting sa implementasyon ng yellow lane policy ang isa sa solusyon sa masikip na trapiko sa Edsa.

Kung ang bus ay mananatili sa kanilang linya, magkakaroon umano ng ‘resemblance of order’ sa kalsada.

Gayundin, ang mga pribadong sasakyan, dapat manatili sa mga linya kung saan sila itinalaga, huwag pasaway.

Samantala, base rin umano sa obserbasyon ng MMDA, kaila­ngang pag-aralan ang deployment ng mga bus sa nasabing lansangan dahil hindi naman napupuno ng pasahero ang mga ito maliban na lamang sa umaga at hapon.

Sa totoo lang, kung lahat ay marunong sumunod sa batas, ma­laki ang posibilidad na masosolb natin ang malalang trapik at ‘yan na magsisimula sa ating sarili.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page