Nagkabit ng bumbilya nakuryente
Pabs Hernandez III
Mar 12, 2019
1 min read
ISABELA—Isang 16-anyos na binatilyo ang nasa malubhang kalagayan nang makuryente habang nagkakabit ng bumbilya sa Bgy. Rizal, Cauayan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Jefferson Andres, residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nagkakabit ng bumbilya si Andres ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Kasalukuyan pang inoobserbahan sa pagamutan ng mga doktor ang biktima.





Comments