Babaeng iniwan ng BF na nakasama sa loob ng 10 taon
- ROMA AMOR
- Mar 9, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Krizza, 29 years old. Nalulungkot ako ngayon dahil iniwan na ako ng BF ko na nakasama ko sa loob ng 10 taon. Sa ngayon, hindi pa ulit ako nagkakaroon ng bagong BF dahil sa totoo lang, gusto ko pa ring makabalikan ‘yung ex ko. Ano ang dapat kong gawin? Sana, matulungan ninyo ako. — Krizza
Krizza,
Naku, alam mo, iha, kung iniwanan ka na ng BF mo, subukan mo namang mag-look-forward dahil hindi natin masisigurado kung babalikan ka pa niya. Dapat ay mag-move-on ka na para makilala mo ‘yung taong inilaan talaga para sa iyo. Hayaan mo na ‘yung ex mo dahil hindi mo siya deserved. Good luck! Kaya mo ‘yan! Aja, fight!
Comments