Pag-a-apply sa PLP ng SSS, mas pinadali na!
- Thea Janica Teh
- Mar 6, 2019
- 2 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Good news para sa mga pensioner ng Social Security System (SSS), ibinahagi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na mas pinadali na ang pag-a-apply sa Pension Loan Program (PLP) sa halos 1.2 milyong qualified retiree pensioners!
Noon, kailangan munang makatanggap ng 6 buwang pension ang mga pensioner bago makapag-apply sa programang ito, ngunit ngayon, kahit isang buwan pa lang nakatatanggap ng pension ay maaari ng makapag-apply. Sa pag-a-apply dito, kailangan lamang ng government-issued identification cards o Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card.
Maaari ring ipasa ang kanilang: Alien Certificate of Registration issued by Bureau of Immigration; Driver’s License issued by Land Transportation Office (LTO); Firearm Registration, License to Own and Process Firearms and Permit-to-carry firearms outside of residence from the Philippine National Police; National Bureau of Investigation (NBI) Clearance; Passport; Postal Identity Card; Seafarer’s Identification and Record Book (Seaman’s Book) at Voter’s ID card. Kung walang dokumento sa kahit na anong nabanggit, maaaring magpasa ng dalawang iba pang valid ID cards/documents na may signature at least one photo.
Nagsimula ang programang ito noong September 2018 na kasabay din ng ika-61 anibersaryo ng SSS. Naitala noong February 28 na umabot na sa P638.33 milyon ang naibahaging pension ng SSS para sa mga pensioner nito at mula sa 166 SSS branch, pinakamaraming nagpasa ng PLP application sa Bacolod kung saan umabot sa 1,982, sinundan ito ng Cebu Branch sa 1,096 at Bago Branch sa 1,002.
Hinihikayat ni SSS Pres. Dooc ang lahat ng pensioners na mag-apply sa PLP para sa emergency o medical expenses. Bukod sa ito ay low- interest rate, sinisigurado rin ng SSS na may matatanggap pa rin silang buwanang pensiyon.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments