Comedy Queen, no show sa awards night… AI AI AT INA, NANALONG BEST ACTRESS SA FILMFEST SA PORTUGAL
- BULGAR

- Mar 4, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NASUNGKIT nina Ai Ai delas Alas at Ina Raymundo ang award na Best Actress sa 39th Fantasporto International Film Festival na ginanap sa Porto, Portugal.
Nanalo si Ai Ai para sa role niya sa indie film na School Service at si Ina naman para sa performance niya sa Kuya Wes.
Ang director ng School Service na si Louie Ignacio ang dumalo sa event at tumanggap sa award ni Ai Ai.
Dahil dito, mas nakumbinse si Ai Ai na mas malaki ang tsansa niyang manalo at mag-uwi ng award kapag hindi siya dumadalo sa mga international film festivals.
Ganito rin kasi ang nangyari nang manalo siyang Best Actress noong 2017 para sa indie film na Area.
Sa post ni Ai Ai, pinasalamatan niya ang lahat ng mga naging bahagi ng kanilang pelikula at inialay ang award na natanggap sa kanyang partner na si Gerald Sibayan.





Comments