top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ngayong sikat na sikat na... BYUTING CELEB, SA POGING BF ISINISISI ANG PAGKALAT NG SEX VIDEO NILA KA

  • Janice Navida
  • Feb 28, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

MAY kumakalat ngayong sex video ang biglang sikat na byu­ting female personality. Wala siyang make-up habang nakikipagdyug bukod sa mabilis lang nai-focus sa kanya ang camera at malabo ang kuha kaya pagdududahan mo kung siya ba talaga ‘yun.

Pero ang guwapong boyfriend ng female personality ay malinaw na malinaw ang kuha sa video, kaya ‘di ito maipagkakaila.

Ang siste, ang pagkalat pala ng sex video na ito ang totoong dahilan ng hiwalayan ng showbiz couple at hindi naman ang pagpili nila sa kani-kanilang career.

Galit na galit ang kampo ng girl dahil nga si guwapong boyfie lang ang pinag-iisipan nilang nagkalat ng sex video na malaking kasiraan siyempre sa magandang imahe ngayon ng female personality.

Ang ikinasasama ngayon ng loob ni guwapong boyfie ay ang damage control na naisip ng kampo ng girl para hindi masira ang imahe ng huli. Ang press release, ibang girl ang kasama ng guwapong guy sa sex video.

So, lumalabas pa nga na­man ngayon na si guwapong boyfie pa ang playboy.

Hay, ganyan talaga ‘pag sumisikat na, para silang mga isda sa aquarium na bina­ban­tayan ng lahat ang bawat kilos.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page