Binatang na-depressed matapos matalo sa championship basketball tournament

Dear Roma,
Ako si Dondon, 18 years old, nu’ng high school ako ay natalo kami sa championship ng basketball sa school, pagkatapos nu’n ay nawalan na ako ng ganang mag-basketball, kaya lang ngayon, mukhang kailangan ko na namang bumalik para makapag-aral dahil pinagta-tryout ako ng papa ko dahil baka sakaling maging scholar daw ako. Ano ang dapat kong gawin? — Dondon
Dondon,
Naku, huwag kang panghinaan ng loob, alam namin na mahal mo ang pagba-baskteball, kaya huwag mong susukuan ang passion mo dahil lang nabigo ka ng isang beses. Huwag mong putulin ‘yung pangarap mo nang dahil lang sa pagkatalo, minsan, kailangan nating maranasan ‘yung mga ganu’ng bagay para mas magpursige tayo sa buhay. Ang maipapayo namin sa iyo ay sundin mo ang papa mo dahil para rin naman ‘yan sa kinabukasan mo. Fight, bro! Good luck!





Comments