Tiis-tiis lang daw sa amoy at lasa, besh!... SIBUYAS, EPEKTIB NA PANLABAN SA BOWEL CANCER!
- BULGAR
- Feb 26, 2019
- 2 min read

“EWW ang baho”, yes that’s true, dehins talaga kanais-nais ang amoy ng bawang at sibuyas, lalo na kapag ito ay hinihiwa na, tapos, nakakaiyak pa. Huhu-hu! Pero, maliban dito, knows ba ninyong ang pagkain ng garlic at red onions ay epektib na panlaban sa kanser?Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga eksperto, ang sibuyas ay mayroong powerful compunds na nakapapatay ng tumours.
Isa sa mga ito ay kilala bilang “anthocyanin”, ito ang nagbibigay ng kulay sa sibuyas na pinaniniwalaang nakape-prevent ng pagkalat ng iba’t ibang sakit sa indibidwal.
Ayon sa author ng pag-aaral na si Abdulmonem Murayyan mula sa University Guelph, natuklasan umano nila na ang sibuyas ay mabisang panlaban sa cancer cells dahil sa isinagawa nilang eksperimento kung saan humanap sila ng 100 pasyente na mayroong iba’t ibang klase ng kanser.
Pagkatapos nito ay isinama sa daily diet meal ng mga kalahok ang pagkain ng bawang at sibuyas kung saan isinagawa nila ito ng halos isang taon at dito napatunayan na mabisa nga ito.
Gayunman, ang mga sakit na kayang maagapan ng sibuyas ay bowel cancer, breast cancer at colon cancer.
Samantala, ayon sa mga dalubhasa, ang cooking method ay mayroon ding epekto rito para masigurong magiging mabisa ang nasabing mga sangkap kung saan dapat hindi ito masyadong sinosobrahan sa pagkakaluto nang sa gayun ay manatili pa rin ang nutrients na taglay nito.
Dagdag pa rito, maging ang iba pang allium vegetables ay keri ring panlaban sa cancer, kabilang dito ang chives, leeks at shallot.
Kaya ang payo ng mga eksperto, mainam kung paminsan-minsan ay makakakain tayo nito lalo na ang mga cancer patient.Oh, ayan, mga beshy, huwag na kayong choosy, basta make sure lang na pagkatapos ninyong kumain ng sibuyas,eh, magsepilyo kayo nang sa gayun ay dehins bumaho ang hininga ninyo.
Joke! Ha-ha-ha! Copy?
Comments