Nu'ng V-Day… GINAWA NINA PIOLO AT BELA SA BEACH RESORT, IBINULGAR NI DIREK

Nitz Miralles / BIDA

SI Direk Irene Villamor na ang nagsasabing walang something romantic na namamagitan kina Piolo Pascual at Bela Padilla at ‘yung pagsasama ng dalawa sa resthouse ni Piolo sa Batangas noong Valentine’s Day ay date ng magkakaibigan. Naroon din sina Direk Irene, Direk Joyce Bernal, ilan pang kaibigan at pati yata mom ni Piolo ay present.
Nakausap si Direk Irene ng mga reporters sa presscon ng Ulan at natanong tungkol kina Piolo at Bela. Friends daw ang dalawa at inimbitahan ni Piolo si Bela sa kakaibang Valentine’s Day happening. May inimbitahan ding singer/guitarist si Piolo, may nagbasa ng tula, kuwentuhan at chill at nag-enjoy ang lahat.
Pinansin namin ang ayos ng Felicidad Mansion, ang venue ng presscon ng Ulan dahil maganda ang ayos. Ang production department pala ng Viva Films movie ang pinakiusapan ni Direk Irene na mag-set-up, kaya ‘yung ibang ginamit sa shooting gaya ng mga damit na isinuot ni Nadine Lustre ay naka-display.
Magical realism ang tema ng Ulan at umaasa si Direk Irene na susuportahan ito ng manonood para marami pa ang gumawa ng ganu’ng concept.





Comments