Maraming ahas at bumaha sa kalsada

Salaminin natin angpanaginip ni Lorraine ngLorraine_Tan@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ng asawa kona maraming ahas sa butas na sinisilip niya? Hinabol daw siya ng ahas na malaki, tumakbo raw siya, tapos, biglang bumaha ang kalsada, kaya nahirapan silang tumakbo. Sana, masagot ninyo ito.
Naghihintay,
Lorraine
Sa iyo Lorraine,
Naku, masama ang sumisilip dahil baka kung ano ang masilip mo. Ayon sa sinaunang kuwento tungkol sa kasaysayan ng tao at ng mundo, si Pandora na mahilig manilip ay nakakita ng kakaibang kahon. Sinilip-silip niya ang kahon, pero wala siyang makitang butas na puwede niyang makita ang loob. Dahil nabitin si Pandoras a kanyang kabaliwan, kumbaga, bigo siya sa pagsilip ay binuksan niya ang mahiwagang kahon, pero habang tinitingnan niya ito ay biglang nagkaroon ng makapal na usok. Lumabas ang kasamaan, patayan, nakawan, pagsisinungaling, pandaraya at maging ang mga sakit at karamdamang walang kagamutan ay naglabasan. Kaya ang magandang mundo ni Pandora ngayon ay sobrang gulo na. Dahil dito, payuhan mo ang asawa mo at ipaalala mo sa kanya na ang curiosity, minsan ay hindi maganda. Ang curiosity ay inilalarawan ng pagiging pakialamera.
Ibig sabihin, ito ay pakikialam sa hindi naman dapat pakialaman o panghihimasok sa hindi dapat panghimasukan. Ito ang kagustuhang alamin ang bagay kahit hindi niya alam kung ano ang puwedeng mangyari sa kanyang buhay. Ang ahas ay simbolo ng kasamaan kaya naglalarawan din ito sa mga taong masasama. Sabi ng panaginip ng asawa mo, huwag niyang silipin o alamin ang lihim na ginagawang masamang tao sa pakikipagrelasyon. Ayon sa panaginip niya, naintriga siya sa nakikita niyang mga ganu’ng klase ng buhay at parang gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari sa ganu’ng lifestyle. Ang naranasan ni Pandora ay baka maranasandin niya kung saan maaaring gumulo ang kanyang buhay. Hindi lang para sa mistermo ang babala, ito rin ay para sa iyo at para salahat dahil ang tao ay dapat makuntento at kung ano ang nasa kanya, ‘yun ang pagandahin, pagbutihin, sinupin, alagaan at mahalin niya.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments