top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayon sa mga eksperto… PAGIGING IN LOVE, KERING MAKA-BOOST NG IMMUNE SYSTEM!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2019
2 min read

LUMIPAS na ang Araw ng mga Puso, pero dehins dahilan ‘yun para tumigil tayo sa pagiging feeling in love. Bagama’t, mara­ming paraan ang puwedeng gawin para lumakas ang ating immune system, knows ba ninyo na ang pagiging in love ay nakatutulong din dito? Weh, ‘di nga?

Ayon sa pag-aaral, ang pagi­ging in love ay may kaugnayan sa pagtaas ng activity ng genes, partikular sa bagay na may kaugnayan sa antiviral defense.

Isinagawa ang pag-aaral sa loob ng 24 na buwan o dala­wang taon kung saan ang mga kalahok ay 47 kababa­ihan mula sa University of Ca­lifornia, Los Angeles.

Ang mga researcher ay gumamit ng blood sam­ples at weekly questionnaires upang ma-monitor ang mga pag­ba­bago sa ka­lu­sugan ng mga kala­hok.

Samantala, para mapili ang mga ka­la­hok, kaila­ngan umano na malusog at walang iniinom na gamot ang mga ito, gayundin na nasa bagong romantikong relasyon ang mga ito. Inilarawan ng mga researcher ang bagong relas­yon bilang wala pang isang buwan ang relasyon at hindi pa gaanong in love ang kalahok sa kanyang partner.

Nang makumpleto ang mga kalahok, kinuhanan ang mga ito ng blood samples at kasunod nito ay binibigyan sila ng questionnaire kada linggo kung saan ang ilan sa nilalaman nito ay tungkol sa detalyadong pangyayari sa kanilang buhay, kabilang dito kung tuluyan na silang na-in love sa kanilang partner. Ang mga kalahok na na-in love sa partner ay muling kinuhanan ng blood sample.

Gayunman, napag-alaman ng mga researcher na ang mga kalahok na nagkaroon ng mas malalim na pagmamahal sa kanilang partner ay nagkaroon ng positibong pagbabago sa immunity genes. Samantala, hindi nakita ang positibong pagbaba­go sa mga kalahok na hindi tuluyang na-in love sa kanilang partner.

Ayon sa mga eksperto, ang pagiging chronically lonely o pag-iisa sa loob ng mahabang panahon ay mayroong negati­bong epekto sa kalusugan. Halimbawa nito ang chronic inflammation kung saan ang pagiging malungkot at pag-iisa ang nakati-trigger nito.

Wow! Talaga nga namang love can do everything. Ano raw? Ha-ha-ha! Para siguradong mabu-boost ang inyong immune system, make sure na ime-maintain ninyo ang pag-intake ng mga pagkaing nagtatag­lay ng citrus, gayundin ang pag-eehersisyo.

Have a good health and happy relationship!

Copy? He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page