top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga mommy, panalo sa Expanded Maternity Law

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2019
1 min read

GOOD news sa mga working nanay!

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Law.

Sa bagong batas, magbibigay ng 105 araw na paid maternity leave para sa mga ina na nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong sektor.

Puwede ring mag-extend ng pahinga nang hanggang 30 araw ba­gama’t, hindi na ito bayad.

Samantala, ang mga solo mother naman ay makakukuha rin ng karagdagang 15 araw na leave.

Pagkakataon ito para magpagaling pagkatapos manganak at si­yempre, maalagaan din ang bagong beybi.

Maituturing din natin itong isang paraan ng pagkilala sa mga ka­babaihan na bahagi ng ating labor force. Sa panahon ngayon, malaking bagay na sabay na kumakayod ang tatay at nanay para sa kanilang pamilya.

Samantala, sakto rin ang pagpirma sa nasabing batas para sa pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa susunod na buwan.

Kaya mga mommy, sulitin ang dagdag-pahinga para sa sarili, sa bagong beybi at sa pamilya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page