Bigtime pusher nasakote
Pabs Hernandez III
Feb 22, 2019
1 min read
ISABELA—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Ugad, Cabagan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Regie del Mundo, residente ng naturang bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Del Mundo.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments