Most wanted criminal tiklo
Pabs Hernandez III
Feb 21, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sta. Cruz, Porac sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Eduardo Ocampo, nakatira sa Bgy. Sto. Domingo sa nasabing lungsod.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Ocampo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong robbery with homicide.
Hindi naman nanlaban si Ocampo nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments