Pangarap daw ng komedyante… MICHAEL V. AT DAWN, MAGSASAMA SA MOVIE
- BULGAR

- Feb 20, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

KASAMA pala si Paolo Contis sa cast ng pelikulang pagsasamahan nina Michael V. at Dawn Zulueta na gagawin ng nagbabalik na GMA Films.
Last week nag-meeting sina Michael V. at kahapon, nag-reading ang cast. Kasama nga si Paolo sa cast, pero hindi namin naitanong ang kanyang role at kung sino ang ibang cast ng movie.
Hindi na muna binanggit ni Paolo ang title ng movie dahil iba ang alam niya sa binanggit namin. Ang nabalitaan namin, dream project ni Michael V. ang pelikula at matutupad din ang dream niyang maging director.
Second movie na ito ng nagbabalik na GMA Films dahil sa unang pelikula nilang Kambal, Karnabal ay tampok sina Ai Ai delas Alas, Kim Domingo, Super Tekla at Derrick Monasterio sa direction ni Adolf Alix, Jr..
Magiging busy si Paolo dahil bukod sa gagawing pelikula, nagte-taping din siya ng morning series na Hiram na Anak.
Kontrabidang-kontrabida ang role ni Paolo bilang si Benjo. Sobrang dark ang karakter niya na kabubuwisitan ng mga Kapuso viewers. Hindi lang siya babaero, nananapak pa.





Comments