Puntod ni karl marx, tinadtad ng vandalism
NABAHALA ang mga awtoridad sa United Kingdom sa insidente ng vandalism sa puntod ni Karl Marx na kilala bilang Father of Communism.
Batay sa ulat ng Highgate Cemetery, sa pangalawang pagkakataon, nakita na lamang nila na puno ng spray paint ang estatwa ng German philosopher.
Gayunman, ilan sa mga isinulat sa naturang puntod ang “architect of genocide”, “terror and oppression” at “mass murder”.
Bukod pa rito, ilang damage rin ang natagpuan sa marble plaque kung saan nakalagay ang pangalan ng pamilya ni Marx.





Comments