Kelot sinaksak ng katoma
ILOCOS NORTE—Isang lalaki ang sugatan nang saksakin ng kanyang kainuman, kamakalawa sa Bgy. 16-San Marcos, San Nicolas sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Benny Tipagan, samantalang, ang suspek ay si Roel Ocarit, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Tipagan at Ocarit na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang, agad namang nadakip ng pulisya ang suspek.





Comments