Para makatulong sa ex na aktres na naanakan daw noon… HIRIT NG FANS: KATHERINE LUNA, IPASOK NA RIN S
- BULGAR

- Feb 18, 2019
- 2 min read

ANG dami nang nagbabu na veteran stars sa Ang Probinsyano serye ni Coco Martin na ang iba ay tatakbo kasi this 2019 elections tulad nina Lito Lapid at Edu Manzano.
Tuloy, may ibang ipinalit sa kanila na veteran stars din na nakita namin sa Facebook tulad nina Roger Calvin at Daria Ramirez just to name a few.
Tipong bawas-dagdag or dagdag-bawas, ha, na may konek sa bilangan ng mga boto, tsuk! ‘Yun na!
May ilang netizens ang naringgan namin na sana raw ay isali rin sa cast ng serye ni Coco ang dating artista na bida noon sa old movie titled Ang Babae sa Breakwater na si Katherine Luna.
If the name rings a bell, si Katherine Luna ang napabalita noon na naging syota ni Coco at natsismis ding nagkaroon sila ng anak. Pero sa interview ni Kuya Boy Abunda noong 2014 kay Coco, negative raw ang resulta nang ipa-DNA test nila ang bata.
Coco even added saying to Kuya Boy na gusto niyang akuin ‘yung bata kasi wala naman daw itong kasalanan. So, kahit paano, makatulong siya sa bata at maibigay ang mga pangangailangan nito.
Kaya ang suggestion nga ng ilang showbiz people in the know, sana ay isali na rin sa veteran cast ng Probinsyano serye si Katherine Luna para muling makabalik sa showbiz world.
Hindi naman na siguro sila mauugnay sa isa’t isa ‘coz pareho na silang may love life. Si Katherine ay may non-showbiz bf daw na ewan kung sila pa rin hanggang ngayon. Si Coco naman ay meron nang Julia Montes (kahit never naman nitong inamin).
So, wala nang dapat maging isyu between Coco at Katherine, tutal naman ay matagal na ang naging relasyon nila, noon pang ginawa nila ang pelikulang Masahista.
Dapat ay magtulungan na lang, ‘ika nga, para sa ikabubuti ng lahat, sa ikabubuti ng ekonomiya ng kani-kanilang bulsa, pak, sa true lang. Insert smiley!





Comments