Nangyayari raw talaga sa magkarelasyon… KARLA, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NINA KATHRYN AT DANIEL
- BULGAR

- Feb 18, 2019
- 2 min read

MULA mismo kay Karla Estrada, hindi raw break or cool-off ang anak niyang si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo tulad ng mga espekulasyong naglalabasan ngayon.
“No. For the record, walang ganyan. Hayaan na natin ‘yung mga nag-iisip ng ganyan,” paglilinaw ng tinaguriang Queen Mother sa presscon kahapon ng pelikula niyang Familia Blondina.
Nagsimula kasi ang isyung nagkakalabuan diumano ang KathNiel dahil sa biglang pag-unfollow ni Daniel kay Kathryn sa Instagram account na sinagot na rin naman ng aktres by saying aksidente niyang napindot ang “block” button.
Ayon kay Karla, natawa na lang sila tungkol sa “unfollow issue”.
“These things really happen sa mga magkakarelasyon and maganda naman du’n, na-explain naman ni Kathryn na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow or… ‘di ba, parang ganu’n?
“Kami, tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yang mga bagay na ‘yan. Hindi naman daw niya sinasadya, ‘di ba, she was saying? But of course, huwag na tayong manghimasok du’n. Hayaan na natin sila sa mga ganu’n-ganu’n nila, ‘di ba?
“Basta’t ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay-pag-ibig, sa buhay-pamilya niya at lalung-lalo na sa kanyang buhay-trabaho,” sabi pa ni Karla.
Naitanong din sa bagong momshie ng comedy ang tungkol sa natsismis na nag-propose si Daniel kay Kathryn sa Japan, at ayon kay Karla ay wala rin itong katotohanan.
“Well, ‘yung mga proposals na ‘yun nu’ng nandu’n sila sa Japan, hindi sila ‘yun. So, nag-assume lang tayo, ‘no? ‘Yung mga nakapanood. And actually, hindi naman talaga big deal ‘yun. May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon and ako ang unang makakaalam nu’n,” ani Karla.
Samantala, natanong din sa TV host/actress kung ano ang gusto niyang title – Queen Mother of Comedy or Comedy Momshie, at sagot niya ay ang huli.
“Comedy Momshie. ‘Yun ang pinakagusto ko talaga. Napakaganda ng Queen Mother, ‘no? Para sa mga anak ko, ako naman talaga ay queen sa kanilang pananaw at paningin.
“Pero gusto ko ‘yung pangkalahatan – Momshie, ‘di ba? Para mas maraming makatawag sa akin, mas madali akong abutin kahit hindi ko naman kaanu-ano, they can always talk to me as Momshie Karla,” she said.
Proud na proud si Karla sa Familia Blondina dahil sobrang nakakatawa raw ang pelikula. Kasama niya rito sina Jobert Austria, Marco Gallo, Kira Balinget, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela, mula sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.





Comments