top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tigdas sa buong mundo, lumala

Jersey Sanchez
Feb 17, 2019
1 min read

NAGBIGAY-BABALA ang World Health Organization (WHO) hinggil sa umano’y paghina ng mga programa kontra tigdas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Katherine O’Brien, director for immunization, vaccines and biologicals ng WHO, nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng measles case sa kabila ng mahigpit na paalala rito ng mga awtoridad.

Dagdag pa ni O’Brien, hindi lamang mahihirap na bansa ang nakararanas ng outbreak kundi ang mayayamang estado rin na naghihirap na dahil sa naturang sakit.

Batay sa pag-aaral ng WHO, tumaas nang halos 50 porsiyento ang kaso ng tigdas sa buong mundo kumpara noong nakaraang taon.

Gayunman, nasa 229,000 kaso ang naitala kung saan ito ay mas mataas mula sa 170,000 kaso noong 2017 sa buong mundo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page