Mga krisis sa national emergency imbento lang daw | TRUMP, KAKASUHAN
TATAPATAN umano ng iba’t ibang kaso sa korte ang ginawang pagdedeklara ni U.S. President Donald Trump ng national emergency.
Ayon kina Speaker of the House Nancy Pelosi at Senate Minority Leader Chuch Schummer, malaki umanong paglabag sa U.S. Constitution ang ginawang pagdeklara ng national emergency ni Trump.
Gawa-gawa lamang daw ang mga binanggit na krisis ng presidente tungkol sa border.
Gayunman, hinikayat ng dalawa ang kapwa Republicans na labanan ang deklarasyon ni Trump.
Magsasampa ng dalawang kaso si California Governor Gavin Newsome dahil sa umano’y paggawa ng krisis na imbento ni Trump na national emergency habang ang American Civil Liberties Union (ALCU) ay nakatakdang maghain ng kaso laban sa presidente.
Ayon sa grupo, hindi naging matiyaga si Trump at nadismaya pa sa Kongreso kaya ipinipilit nito ang pagpondo sa kanyang border-wall na ipinangako noong kampanya.
Unang nagdeklara si Trump ng national emergency matapos hindi pondohan ang kanyang border-wall project.





Comments