5 patay sa pamamaril
LIMA katao ang naitalang nasawi habang marami ang nagtamo ng mga sugat sa pamamaril sa industrial building sa Aurora, Illinois sa U.S.
Gayunman, hawak na ng pulisya ang pinaniniwalaang suspek na hindi pa pinangalanan habang isinasagawa ang kaukulang imbestigasyon.
Naganap ang insidente sa 641 Archer Avenue pasado alas-2:00 ng hapon.
Isinara rin ang naturang kalye para agad mahuli ang gunman.
Samantala, may layong 80 kilometers ang Aurora City mula sa Chicago at isinailalim sa lock down kahit nahuli na ang suspek dahil sa posibilidad na mayroon pa itong mga kasama sa lugar.
Ayon sa pahayag ni Illionis Fraternal Order of Police State Lodge President Chris Southwood, karamihan sa mga sugatan ay miyembro ng pulisya sa naturang lugar.
Gayunman, dinala sa Rush Copley Medical Center sa Aurora ang mga sugatan ngunit, ayon sa tagapagsalita ng pagamutan, hindi kritikal ang lagay ng mga ito.





Comments