Pulis habang busy magbantay sa rally | 80 PRESO NAKATAKAS
- Jersey Sanchez
- Feb 16, 2019
- 1 min read
HALOS 80 preso ang nakatakas sa bilangguan kasabay ng mga kilos-protesta laban kay Haiti President Jovenel Moise.
Gayunman, naganap ang pagtakas sa kasagsagan ng anti-Moise protest rally sa harap ng police station.
Nagsitakas ang mga bilanggo sa bayan ng Aquin habang abala ang mga awtoridad sa pagbabantay sa mga nagpoprotesta.
Samantala, inihihirit ng mga demonstrador na magbitiw sa puwesto si Moise matapos masangkot sa maanomalyang paggasta sa pondo.
Gayunman, $2 bilyon ang umano’y nagastos ng administrasyon.
Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga pulis sa mga nakatakas na bilanggo.





Comments