Matapos hindi magbayad ng sandwich | MAMBABATAS, NAGBITIW SA PUWESTO
- Jersey Sanchez
- Feb 16, 2019
- 1 min read
NAGBITIW sa puwesto ang mambabatas sa Slovenia matapos magnakaw ng sandwich sa supermarket.
Ayon kay Darij Krajcic, miyembro ng parliament for the Marjan Sarec List party, inilabas niya sa supermarket ang sandwich nang hindi nababayaran.
Dagdag pa rito, tatlong minuto na siyang nakatayo sa counter at hindi pinapansin ng cashier dahilan para siya ay mainis at lumabas sa supermarket nang hindi nagbabayad.
Gayunman, humingi ng paumanhin ang mambabatas sa kanyang ginawa at saka nag-anunsiyo ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.





Comments