top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Babaeng dehins knows kung paano kokontrolin ang pagiging magastos

ROMA AMOR
Feb 16, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Ferry, 23 years old. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang gastos ko ngayon, kung dati, eh, napagkakasya ko pa ang 500 pesos sa isang linggo, eh, ngayon 1 araw pa lang nauubos ko na ito. Sana, matulungan ninyo ako kung paano ko kokontrolin ang aking pagiging magastos. Ano ang dapat kong gawin? Salamat! — Ferry

Ferry,

Alam mo, iha, dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi na talaga ma­iiwasan na maubos ang 500 pesos mo sa isang araw, pero kung gusto mong kontrolin ang pa­giging magastos mo, mainam kung hindi mo bibilhin ang mga luho mo at ipa-prioritized mo lang ang mga kailangan mo. Iwasan mo ring umalis dahil tiyak na mapa­pa­gastos ka. Kaya mo ‘yan, basta tiis-tiis lang. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page