top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PhilHealth, cover ang confinement ng mga may tigdas

Thea Janica Teh
Feb 13, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay laman ng balita ang pagkalat ng tigdas hindi lang sa Metro Manila kundi pati na rin sa Central Luzon. Ibinahagi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na tumaas ng 550% mula January-February 2019 kung ikukumpara noong isang taon at ito ay nakababahala.

Kaya naman, ka­sama ng Department of Health ang Philippine Health Insurance Corporation (Phil­Health) para puksain at hindi na palakihin pa ang bilang ng mga nagkakatigdas. Sakop ng PhilHealth ang tigdas sa kanilang confinement due na nagre-range sa P7, 700-P25, 000, with uncomplicated cases ay P7, 700, samantalang, kung ang may sakit ay may pneumonia at tigdas, ito ay P15,000 at P25,700 naman sa tigdas na may kum­plikasyon sa meningitis.

Sinabi rin ng Phil­Health na kahit hindi pa miyembro nito ay maaari nang maka-avail ng kanilang bene­fits kapag sila ay na-admit sa ospital dahil sa tigdas. Ito ay ang Point of Service (POS) program o pagbibigay ng health insurance sa mga walang kakayahang makapagbayad. Ang gobyerno na ang ba­ha­lang magbayad ng isang taong Phil­health coverage na magiging effective once na ito ay na-avail na.

Para naman sa mga financially capable ngunit, hindi pa miyembro ng Phil­Health, maaari silang magbayad ng isang taong kontribusyon para makakuha ng benefits.

Samantala, ang mga indigent, sponsored, kasambahay, senior citizen at lifetime member ay qualified sa “No Balance Billing Policy” o wala na kahit isang sentimo ang kanilang babaya­ran kapag sila ay naospital sa government facility.

Para naman sa mga magulang ng mga batang hindi pa nababakunahan laban sa tigdas ay inaanya­yahan na pumunta sa government hospital o health center para makakuha ng libreng bakuna. Dahil ang bakuna ang no. 1 panlaban pa rin sa tigdas. Sisiguraduhin ng PhilHealth na matulungan at ma­bigyan ng sapat na benepisyo hindi lang ang mga miyembro nito kundi pati na rin ang mga non-member.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page