21,000 miyembro ng Pag-IBIG Fund, makakamit na ang inaasam na bahay!
- Thea Janica Teh
- Feb 11, 2019
- 2 min read
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Halos 21,389 borrowers mula sa minimum wage at low income earners ang nabigyan ng socialized housing worth P8.36 billion ng Pag-IBIG Fund noong 2018.
24% ng 90,375 homes ng Pag-IBIG Fund noong 2018 ay para sa low income borrowers. Ito ay sa patuloy na pagsuporta sa BALAI (Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive) at pagsunod sa ipinangako sa pangulo na mabigyan ng bahay ang mga Pilipino.
Ipinaliwanag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti ang tax exempt status nito ay nakatutulong sa patuloy na pagbibigay ng mababang rate sa socialized housing loans at pagpapaganda ng iba pang programa.
Noong 2017, mula sa 4.5% interest rate per annum ay mas lalo pa itong pinababa sa 3% per annum. Ang socialized housing unit ay nagsisimula sa P450, 000 pataas na swak na swak sa socialized housing market.
Samantala, tinaasan naman ng P580, 000 ng HUDCC ang horizontal housing project noong 2018 para mas lalong ma-improve ang kalidad ngunit, napagdesisyunan ng Pag-IBIG Fund na panatilihin ang mababang interest rate na 3% per annum. Ibig sabihin, P2,445.30/month lamang ang babayaran ng qualified borrowers ng Affordable Housing Program sa unang 5 taon ng P580,000 loan at puwedeng bayaran sa loob ng 30 taon.
Ito ay ilan lamang sa achievement ng Pag-IBIG Fund noong nagdaang taon at ito rin ang dahilan kaya ang lingkod Pag-IBIG ay may tapat na serbisyong mula sa puso.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments