top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tren nagbanggaan: 1 todas, 100 nadale

Jersey Sanchez
Feb 10, 2019
1 min read

PATAY ang isa katao habang halos isandaan ang sugatan matapos ang banggaan ng dalawang tren sa Spain.

Ang insidente ay naganap sa pagitan ng mga bayan ng San Vicenç de Castellet at Manresa sa layong 35 miles sa hilagang-kanluran ng Barcelona.

Patungo ang isang tren sa Barcelona habang ang isa ay patungo sa Manresa nang magbanggaan ang mga ito sa riles. Ang nasawi ay drayber ng tren habang tatlo sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng naganap na banggaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page