Bukod sa pagiging masaya at inspired, mga besh! 7 SENYALES NA IN LOVE ANG TAO, ALAMIN!
- BULGAR
- Feb 6, 2019
- 2 min read

HINDI ba, nakakikilig ang ma-in love? ‘Yung tipong kaunting bola lang, eh, buong araw ng maganda ang mood mo at hindi nawawala ang ngiti sa iyong mga labi. Ayieee! Bagama’t, madalas na kinikilig ang mga taong in love, knows ba ninyo kung anu-ano ang nangyayari sa ating katawan tuwing in love tayo? Kung hindi pa, narito ang 7 senyales ng pagiging in love:
1. LOWER BLOOD PRESSURE. Ayon sa pag-aaral, napag-alaman na ang mga may asawa na nasa edad 50 pababa ay may 12% mas mababang tsansa na magkaroon ng vascular disease habang 7% naman ang mga may asawa na nasa edad 51 hanggang 60. Ito ay dahil mas nagiging health conscious umano ang indibidwal kapag mayroon silang partner na nag-aalaga at nagpapaalala sa kanila na ingatan nila ang kanilang kalusugan.
2. LESS STRESSED THAN USUAL. Ang unang stage ng pagiging in love ay nagpapataas ng level ng cortisol o stress hormone, ngunit, ayon sa pag-aaral, kapag nasa isang taon na ang relasyon ng mag-boyfriend, mas nagkakaroon sila ng koneksiyon sa isa’t isa kung saan ito ay nakatutulong sa kanilang psychological changes tulad ng pagbaba ng level ng anxiety nila.
3. BUTTERFLIES IN STOMACH. Kapag in love ang indibidwal, ayon sa mga eksperto, tumataas ang lebel ng cortisol niya, kaya napupunta sa fight-or-flight mode ang kanyang katawan. Gayunman, ang tibok ng puso ay tumataas, pinagpapawisan ang ilang parte ng katawan at hindi maipaliwanag ang kundisyon ng sikmura sa tuwing nakikita mo ang iyong mahal. Uy, ang lakas maka-hayskul!
4. YOU FEEL MORE ATTACHED AND SAFE. Ang isa sa mga dahilan kung bakit nababawasan ang pagka-stressed ng indibidwal ay dahil nararamdaman niyang ligtas siya kasama ang kanyang partner. Ang hormone na oxytocin ay nare-released sa tuwing nagkakaroon ng physical contact ang indibidwal tulad ng pagyakap, paghalik at pakikipagtalik. Ito ay nakapagpapalalim umano ng attachment sa partner, kaya nakararamdam ng contentment, security at calmness ang indibidwal, partikular ang kababaihan.
5. YOU BECOME HAPPIER. Ang pagiging in love ay nagre-released umano ng dopamine o neurotransmitter na nagkokontrol sa utak kaya nagiging masaya ang mga taong in love kapag kasama nila ang kanilang mga partner.
6. YOU FEEL LESS PAIN. Ayon sa mga eksperto, ang pagiging in love ay may kaugnayan sa pain-reducing qualities kung saan sa tuwing makikita umano ng indibidwal ang partner nila ay tumataas ang reward-processing region nila sa utak dahil nababawasan ng ‘love’ ang nararamdamang sakit ng indibidwal. Amazing!
7. YOU FEEL ADDICTED. Tulad ng ibang bagay na nakaa-addict, gayundin ang pag-ibig kung saan nakahuhumaling ito sa ibang paraan. Ayon sa pag-aaral, ang love ay maaari umanong maging ‘addictive’ dahil isa itong pangangailangan ng indibidwal.
Nakatutuwang malaman ang mga bagay na ito, hindi ba? Kaya share mo na ito kay crush at sabihing, “crush, puwede bang ma-in love sa’yo?” Ha-ha-ha! Biro lang!
Kidding aside, kapag na-in love kayo, alam n’yo na, ha?
Have a happy hearts day! Copy?
Comments