top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahulugan na gusto ng magkaroon ng love life

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Desiree ng Desiree_ Viaana_Datoon@ facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako ng sirena. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!

Naghihintay,

Desiree

Sa iyo Desiree,

Marami ang hindi naniniwala na totoong may sirena dahil hanggang ngayon ay walang patunay na totoo ito kung ang tatanungin ay tungkol sa larangan ng siyensiya.

Pero, kung ang tatanungin ay ang mga tao sa probinsiya, sila ang magpapatunay na ang mga sirena ay totoo.

Dahil ang kuwento tungkol sa mga sirena ay bahagi ng kasaysayan ng mga mayayaman sa buong Pilipinas, lahat ay may kani-kanyang salaysay na iisa lang ang ibig sabihin, na ang mga sirena ay totoo.

Sa Katagalugan at sa buong Luzon, ang sirena ay magandang babae na kalahating isda at kalahating tao.

Sa Kabisayaan, ang tawag sa sirena ay "magindara”.

Ayon sa kasaysayan, ang mga sirena, bukod sa may nakahahalinang kagandahan ay nagta­taglay din ng magandang boses na umaakit sa mga lalaking makari­rinig.

Nagpapakita ang mga ito kapag bilog ang buwan kung saan uma­awit ng napakaganda at parang nag-uutos sa lalaki na lumusong sa tubig, kaya ang awit ng sirena ay awit ng pag-ibig.

Gayunman, dahil Desiree ang pangalan mo, masasa­bing ikaw ay babae, kaya ang sirena na nakita mo sa iyong panaginip ay nagpakita sa iyo hindi para akitin ka. Kung ganu’n, ano o sino ang sirena sa iyong pana­ginip?

Mahaba ba ang buhok mo? Kung oo, ikaw ang sirena sa panaginip dahil ang lahat ng sirena ay may mahahabang buhok.

Malakas ba ang dating sa iyo ng full moon? ‘Yung parang gustung-gusto mong makita ang bilog na buwan? Kung oo, ikaw nga ang sirena sa panaginip.

May kakilala ka bang lalaki na bigo sa love life at malungkot dahil iniwanan ng kanyang minahal? Kung oo, ikaw talaga ang sirena sa panaginip.

Dahil ang mga sirena ay nakikita ng lalaking bigo sa pag-ibig, kum­baga, hindi nagpapakita ang sirena sa mga lalaki na masaya na sa relasyon.

Kaya bilisan mo, umawit ka ng awit ng pag-ibig na dapat ay marinig ng taong bigo sa pag-ibig nang sa gayun ay hindi niya ituloy ang masamang pinaplano niya sa kanyang buhay.

Samantala, ang “awit ng pag-ibig” ay nag­mumula sa puso at ito rin ay nanggagaling sa pusong sabik sa pag-ibig, ibig sabihin, matagal mo ng gustong magkaroon ng love life.

Kaya, muli, umawit ka!

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page