top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nabulaga siya, 'di nakapalag… CHICKBOY NA AKTOR-PULITIKO AT KABIT, SINUGOD NG MISIS SA LOVE NES

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 1, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

SANG actor-singer ang super-sikat noon at bahagi ng isang grupo ng mga artists na nakilala rin hindi lang bilang recording stars-perfor­­mers kundi naging mga TV hosts pa ng show na tumagal sa ere.

Hindi rin inasahan ng kanyang mga kasamahan sa peli­kula at telebisyon na papalarin siya sa larangan ng pulitika. Ang kanyang political career ay nagsimula lang sa pagiging local official, pero dahil sikat nga siya mula Aparri hanggang Jolo, pinalad din siyang mahalal sa mas mataas na posisyon.

Matatag na matatag na ang puwesto ngayon ng nasabing actor-politician. Pero may isang kabanata sa kanyang buhay ang hinding-hindi malilimutan ng ilang kaibigan at ng mga taong nakakaalam sa naganap na chapter ng kanyang buhay.

Maraming babae ang umaa­ligid at diretsahang nagpapakita ng interes noon sa actor-politician. At dahil lalaki, natural na ma­tukso siya paminsan-minsan.

Ang misis ni actor-politician na isa ring aktres ay napakabait, sweet at wholesome ang imahe. Hindi ito giyerera tulad ng ibang misis. Pero nang minsang ma­puno, sumugod si mabait na aktres sa love nest ng kanyang mister na actor-politician at ng babaeng ahas at may dala siyang high powered gun. Doon nata­uhan ang actor-politician at tumino na mula noon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page