top of page

Maging ang mga eksperto ay naging biktima ng mapaminsalang bakuna... HUSTISYA PARA SA DOKTOR NA BINA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2019
  • 5 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

ANG pangalan ni Dr. Kendrick Guico Gotoc (Dr. Kendrick) ay nagmarka sa kamalayan ng sambayanan. Bagama’t, inaasahan na sa lahat ng pagkakataon ay kayang gamutin ng manggagamot ang kanyang sarili upang mailigtas ang kanyang buhay, tila napakasaklap na kabalintunaan (irony) ang naganap kay Dr. Kendrick. Isa siyang “nurse”, “phar­macist”, “ internist”, “animal bite ex­pert”, ayon sa mga impormasyon na nakalap. Ang larawan na kalakip nito ay kasama pa niya si Mayor Herbert Bau­tista ng Quezon City nang magtra­baho si Dr. Kendrick sa Q.C. Health Depart­ment. Kalakip din sa mga larawan ang burol niya habang kausap ako ng kanyang butihing-ina.

Ang kaso niya ang ikatatlumpu’t isang (31) Dengvaxia related complaint na isinam­pa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa De­­part­ment of Justice (DOJ) noong Enero 24, 2019. Sinabi ng ina ni Dr. Kendrick na si Gng. Norma Guico Gotoc at ng kapatid nitong si Bb.Cristina Gotoc, ayon sa Certi­ficate of Death ng bu­tihing doktor, siya ay na­matay dahil sa sep­tic shock; community acquired pneu­mo­­nia - high risk ang antece­dent cause at diabe­tes mellitus hyper­thyroi­dism ang underlying cause.

Ani Gng. Norma hinggil sa ma­pait na pag­panaw ng kanyang anak na hindi siya ma­kapaniwala na sanhi umano ng mga nakasaad sa nasa­bing Certificate of Death:

“Hindi namin matanggap na namatay nang maaga si Kendrick. Masakit para sa amin na sa kanyang pagi­ging dalubhasa sa karerang kanyang pinili bilang doktor ng medisina ay aagawan siya ng buhay dahil lamang sa bakunang naitu­rok sa kanya. Hindi kapani-paniwala ang ma­agang pagpanaw ni Kendrick. Hindi kami nani­niwalang ang dahilan ng kanyang kama­tayan ay tulad ng sinasabi sa kanyang death certificate”.

“Isang manggagamot si Kendrick, kung ang sakit na dumapo sa kanya ay tulad ng sinasabi sa kanyang death certificate ay kaya niya itong gamutin o kaya niyang ipagamot sa iba pa niyang mga kasamahang mangga­gamot gamit ang advance technology ng medisina”.

Hindi ang mga nakasaad sa nabanggit sa death certificate ang tinatanggap na dahilan ni Gng. Norma kundi ang Deng­vaxia na tat­­long (3) beses na itinurok sa ka­tawan ng kanyang anak. Ito ang kalunus-lunos na pang­yayari na hindi kaagad inamin ni Dr. Kendrick sa kan­yang pamilya.

Kung maaari ay nais niya itong ilihim sa kanila nang sa gayun ay hindi sila mag-alala, ngunit, malakas ang intuition ng ina kapag tungkol na sa pamilya ang pinag-uusapan lalo na kung may kinala­man dito ang buhay at ka­ligtasan ng kanyang mga anak.

Ganito ang pakiramdam ni Gng. Norma nang makita niya si Dr. Kendrick sa ancestral home nila sa Binalonan, Pangasinan noong Dis­yembre 2017, magpa-Pasko noon at siya ay magbabakasyon.

Napansin ni Gng. Norma na nanga­ngayayat si Dr. Kendrick, kaya kahit na, “okay lang ako, mama”, ang sagot sa kanya ng kanyang anak, may ma­tinding pag-aalala siyang naramdaman sa nakita niyang kalagayan ng pangangatawan nito.

Ang pagbagsak ng katawan ni Dr. Ken­drick ay napansin din ng kapatid nitong si Cristina noong Enero 2018, na nagbabakas­yon noon sa kanilang lugar sa Binalonan, Pangasinan, siya ay nurse na nagtatrabaho at naninirahan na sa Amerika.

Naalala pa ni Cristina na noon ay nagtalo silang magka­patid dahil sa pagtatago nito ng kanyang na­raramdaman. Gayunman, uma­min din sa kanya si Dr. Kendrick na siya ay naturukan ng Dengvaxia ng tatlong (3) beses at pag­karaan ay nagsimula na ang kalbaryo nito. Na­rito ang bahagi ng salaysay ni Cristina tungkol dito:

“Ayon sa kuwento ni Kendrick, mula nang siya ay nabakunahan ng Dengvaxia vaccine, siya ay nakararanas na nang ma­dalas na pananakit ng ulo, tiyan, kawalan ng ganang kumain, madalas na pagbilis nang tibok ng puso (palpitation), pag-ubo at pagtatae. Nang mismong araw ring ‘yun ay tiningnan ko ang kanyang katawan at doon ko nakita ang kanyang mga pantal, ga­yundin nangingitim ang kanyang mga kuko at mga daliri”.

Kaugnay nito, noong Marso 2018, na­saksihan ni Gng. Norma ang kahabag-habag na pinagdaraanan ni Dr. Kendrick at nang araw ding ‘yun ay nagtapat na ang kan­yang anak tungkol sa mabangis na bakuna na sanhi ng trahedya ng kanyang buhay. Narito ang bahagi ng salaysay ni Gng. Norma:

“Noong March 2018, nang muling umuwi sa bahay namin sa Binalonan, Pan­gasinan ang aking anak na si Dr. Kendrick ay napansin ko ang matinding pagbagsak ng katawan nito. Nang hawakan ko ang braso niya ay doon ko napuna na parang buto’t balat na siya at hindi na niya maita­­go ang kapayatan niya, kahit na siya ay naka­damit ng halos tatlong (3) patong. Labis akong nag-alala at nagalit din sa kanya dahil hindi siya nagsasabi sa akin kung may kakaiba ba siyang nararamdaman. Noong araw din na ‘yun ay tinanong ko si Kendrick kung bakit biglaan ang pagbagsak ng kalu­sugan niya.

Sinagot naman ako ng aking anak at noon ay nagtapat siya sa akin na madalas siyang nakararanas ng pagsakit ng ulo at tiyan, mabilis ang pagtibok ng kan­­yang puso, tulog nang tulog at walang ganang kumain. Nakita ko rin ang maliliit na pantal sa kanyang mga kamay”.

“Matapos kong malaman ang mga ‘yun ay sinabihan ko siya na ang mga narara­nasan niyang mga kakaibang pakiramdam at pagbabago sa kanyang katawan ay ka­pa­rehong sintomas ng mga naturukan ng Dengvaxia. Sinabihan ko siya na tapatin ako upang mapatingnan ko siya sa mga es­pesiyalista upang siya ay mabigyang lunas”.

“Kaya naman sa mga oras na ‘yun ay sinabi niya sa akin na naturukan siya ng Dengvaxia ng tatlong (3) beses. Nanlumo at labis akong na­bahala nang malaman ko ‘yun sa aking anak. Sa mga na­papanood ko sa balita at nababasa sa social media, nag-alala talaga ako nang labis. Tulad ng palaging sinasabi ni Ken­drick, huwag daw akong mag-alala dahil maayos naman daw siya”.

“Doktor ang aking anak na si Kendrick kaya pinaniwa­laan ko siya na magiging maayos ang pakiramdam niya. Subalit, sa aking kalooban bilang ina, ako ay labis na nag-aalala sa kalagayan ni Kendrick”.

Ang matinding pag-aalala ng ina at buong pamilya ni Dr. Kendrick ay humantong sa mapait na pagdadalamhati na pumukaw din ng paghihimagsik ng kanilang mga damdamin at ng mga taong sumusuporta sa kanila. Ang mahabang panahon ng pagluluksa para sa pamilya Gotoc ay nagsimula noong Abril 22, 2018 nang pumanaw si Dr. Kendrick sa Quezon City.

Dahil sa sinapit ni Dr. Kendrick ay lumapit sina Gng. Norma at Bb. Cristina Gotoc sa aming opisina. Ani Gng. Norma:

“Dahil naturukan si Kendrick ng Dengvaxia, ‘yun ang talagang pinaghihi­nalaan namin na naging sanhi ng kan­yang pagkakasakit. Kami ay lumapit sa opisina ng Public Attorney’s Office (PAO) para ihingi ng tulong ang pag­ka­matay ni Kendrick dahil na­niniwala kaming Deng­vaxia ang naging dahilan ng ma­agang kamatayan ng aking anak”.

“Hiniling rin namin na isailalim ang bangkay ni Kend­rick sa Forensic Examination para malaman namin ang tu­nay na dahilan nang biglaang pagkamatay ni Kendrick. Kina­kailangan naming gawin ito upang matahimik ang aming kalooban dahil sa pagkamatay niya”.

Sabi naman ni Bb. Cristina: “Naging pabaya ang mga taong nagsagawa ng pagbabakuna ng Dengvaxia. Sa ka­tunayan, sinimulan ni Kendrick na mag-research tung­­kol sa Dengvaxia at nabanggit niya ito sa akin isang linggo bago siya bawian ng buhay. Kung hindi nabakunahan si Kendrick ay nabubuhay pa sana siya ngayon. Kinakailangan nilang managot sa naging kapabayaan nila”!

Hiniling din ng mag-ina sa PAO na sampahan ng kauku­lang kasong sibil, kriminal at administratibo ang mga taong res­pon­sable sa pagkamatay ni Dr. Kendrick. Tulad ng mga naunang pamilya na humiling at inilapit sa amin, buong giting namin itong tinanggap.

Hindi lamang dahil sa tawag ng tungkulin kundi dahil ito ang nararapat na gawin, gayundin para sa ika­tatahimik ng kaluluwa ng nagpaparamdam na si Dr. Kendrick.

Sapat ang aming mga ebidensiya na hindi matitinag dahil matibay ang pundasyon ng mga ito sa aspetong legal, medisina at siyensiya. Dahil dito at sa aming mandato, higit sa lahat sa tiwalang ibinibigay sa amin ng mga biktima, mananatili kaming matatag at hindi matitinag!

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page