Kris, wala nang paki, dedma lang… GRETCHEN, NIRESBAKAN NA NI EX-BIR CHIEF KIM HENARES
- BULGAR

- Jan 27, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

GOOD vibes na sana ang post ni Kris Aquino na nag-ninang siya sa kasal ng anak ng lawyer niyang si Atty. Sig Fortun at isa ‘yun sa mga pagkakataong nakalabas siya ng bahay.
Nahaluan lang ng konting isyu dahil pinuna ng isang netizen na sa mga ninang, si Kris lang ang walang hawak na bulaklak. Na-out of place raw tuloy si Kris.
“I’m not allowed. Please no issues? May I be allowed the privacy to not name what in the bouquet I was told to avoid? I’m obeying my doctors,” paliwanag ni Kris.
May nakaintindi sa kalagayan ni Kris and as expected, may ayaw maniwala na umiwas lang siya sa allergy. Pero, care bears na si Kris sa bashers niya at sa mga gumagawa ng isyu laban sa kanya. Kung napapansin n’yo, dedma na siya sa mga dati at bagong isyu na ipinupukol sa kanya.
Kaya ‘wag asahang magko-comment si Kris sa FB post ni former BIR Chief Kim Henares dahil hindi ‘yun patungkol sa kanya. Kay Gretchen Barretto addressed ang message ni Ms. Kim at walang kinalaman si Kris.
Kung matatandaan, idinamay ni Gretchen si Henares sa sinabi niyang nagpatulong dito si Kris para mapababa ang bayaring tax ng kaibigang negosyante na si Alice Eduardo.
Samantala, ipinamigay na ni Kris ang pangako niyang Care Bears sa mga followers niya. Sina Jack Salvador at @fonziru ang naghatid ng Care Bears sa Laguna at Pampanga. Mga babaeng may sakit ang unang binigyan ni Kris.





Comments