top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kabataang bilanggo, binisita ni Pope Francis

Jersey Sanchez
Jan 27, 2019
1 min read

BINISITA ni Pope Francis ang mga batang nakakulong sa Panama.

Binatikos ng Santo Papa ang umano’y pader laban sa mga bilanggo na binuo ng lipunan.

Nagsagawa ng penitential liturgy ang Santo Papa sa Garzas de Pacora Detention Center sa Panama kung saan ito ay pasilidad para sa mga nagkasala kabilang ang kabataan.

Gayunman, suot ng mga bilanggo ang World Youth Day t-shirts na simbolo ng kanilang pakikiisa sa libu-libong pilgrims mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Santo Papa, may karapatang bigyan ng dignidad at pag-asa ang mga bilanggo tulad ng tinatamasa ng lahat ng tao, gayundin ang pagbibigay ng oportunidad sa mga nagkasala na magbago.

Naging tradisyon na ni Pope Francis ang pagbisita sa mga bilanggo sa kanyang foreign vi­sits upang maabot ang mga napag-iwanan sa lipunan,

Hanggang ngayong araw na lamang magtatagal ang Santo Papa sa Panama.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page