Para lang makapaglakwatsa, manager inutusang magsinungaling… IBINULGAR NG KAMPO NI NICKO: KRIS, TOD
- BULGAR

- Jan 25, 2019
- 2 min read

NAKAHANAP talaga ng katapat ang kadaldalan at kataklesahan ni Kris Aquino sa magkapatid na Nicko at Atty. Jesus Falcis.
May bago na namang pasabog sa Instagram account niya si Atty. Jesus laban kay Kris. This time, ang diumano’y panloloko ng TV host sa kumpanyang kanyang ineendorso.
Inaakusahan ni Atty. Jesus si Kris na nag-iimbento umano ng sakit at nagda-drama para ma-excuse sa work at makapamasyal sa Hawaii kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Ipinost ni Atty. Jesus sa IG ang diumano’y screenshot ng message ni Kris sa kanyang kapatid na si Nicko nu’ng panahong managing director pa ang huli ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).
Mababasa sa na-screenshot na message, “The 2 want Hawaii. Pwede kang magsundo para ‘yung last 3-4 days you look for your Potato Corner expansion.
“Our official statement is that I have adult onset asthma w/c we discovered because of my severe allergic reactions… hindi na raw tayo maqu-question. Because I told him there’s no way we can admit the BP fluctuations because puro food conglomerates ang endorsements and w/ my BP - dapat low sodium everything.
“So most believable explanation is severe allergies & asthma complications because if respiratory walang questions about food intake.”
Ang caption na inilagay ni Atty. Jesus sa kanyang IG post: “Parang estudyante lang! Nag-iimbento ng sakit para ma-excuse sa classes. ‘Yun nga lang s’ya gusto ma-excuse sa work!
“Napaka #artecaria kapag nde nya feel biglang tataas ang BP nya to 150 over arte.
“Imbes na umamin ka na lang sa mga endorsements mo, ginamit mo pang palusot ang Kuya ko na na-stress ka dahil may “financial abuse” na gawa-gawa mo lang din naman.
“Grabe ah, Game of Thrones level of scheming. But you no longer have a throne. Even if you do, we will dethrone you! #FalcisBrothers”
Naku, ha? Mukhang patindi nang patindi ang mga akusasyon ng kampo ni Nicko laban kay Kris, to the point na nakukuwestiyon na talaga ngayon hindi lang ang kredibilidad ng Social Media Queen kundi pati ang kanyang professionalism.
Well, let’s wait and see kung ano namang masasabi rito ng nag-iisang Kris Aquino.





Comments