top of page

Puno na hitik sa bunga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 21, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Guen ng Guen_ Magnet@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako ng puno na hitik sa bunga. ‘Yung mga bunga raw, eh, pomelo at oranges. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Guen

Sa iyo Guen,

Madali lang ang mag-analisa ng mga panaginip. Ka­dalasan, kung ano ang ka­ilangan ng tao, ‘yun ang na­pananaginipan niya.

Kapag malungkot ang buhay ng tao, sure na sure, ma­kapananaginip siya ng masasayang senaryo. Kapag nasobrahan ang saya ng tao, sure na sure na ang kanyang panaginip ay malungkot.

Ang mga nagkukunwa­ring matapat sa tunay na buhay at ang mga umaasta na matatag, pero sa totoo ay hindi naman ay makapana­naginip na sila ay umiiyak.

Kapag ang tao ay kulang sa ehersisyo, sa kanyang pa­na­ginip ay makikitang tuma­takbo siya.

Kapag ang tao ay nagdi­di­yeta at nasobrahan, walang pag-aalinlangan na siya ay mananaginip ng marami at masasarap na pagkain.

Kaya ang taong kulang sa sustansiya ay mananagi­nip ng masusustansiyang pagkain at inumin dahil tulad ng nasabi na kung ano ang kailangan ng tao, ‘yun mismo ang mapananaginipan niya.

Dahil dito, ang iyong pa­na­ginip ay nagsasabing, ku­lang ka sa Vitamin C, pero bago ka maniwala, ang payo ay nagsasabing kumonsulta ka sa doktor para ma­laman mo kung paano mo palala­kasin ang iyong im­mune system.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page