top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sa mga madalas sa mall, restaurant etc...RESIBO, NAKAKAKANSER!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2019
2 min read

SINO ba sa atin ang hindi pa nakahahawak ng resibo? Kahit siguro bata, eh, napaglaruan na ito dahil kinalikot ang laman ng bag ng kanilang mamshie. Pero, alam ba ninyo na hindi la­mang simpleng bagay ang re­sibo dahil nagkokontamina raw ito ng ke­mikal na maaaring ma­ging dahi­lan ng pagkakaroon ng kanser ng indibidwal? Hala!

Ayon sa mga eksperto, 90 porsiyento ng mga resibo ay nagkokontamina ng kemikal na naka­kakanser.

Ang mga resibo na nabubura ang ink sa paglipas ng panahon ay gawa sa thermal paper na mayroong BPA (bisphenolA).

Sa pag-aaral, natuklasan ng mga resear­cher na ang kemikal na ito ay prone sa pag­kakaroon ng infertility, autism, ADHD (atten­tion deficit hyperacitivity disorder), obesity, type 2 diabetes, premature birth at early onset ng puberty.

Gayundin, ang BPA na kemikal ay na­tatagpuan sa mga plastik, kaya matagal na rin itong ipinagba­bawal.

Ayon kay Professor Nicolas Olea mula sa Univeristy of Gra­nada, Spain, iwasan na uma­no natin ang paglalagay ng mga resibo sa wallet, kotse o sa mga bagay na nakasanayan nating paglagyan ng mga ito.

Gayunman, upang masiguro ang pag-a­aral, nagsagawa ng eksperimento ang mga researcher mula sa University of Granada kung saan in-analyzed nila ang 112 thermal paper receipts at ticket mula sa Brazil, Spain at France at dito nila natuklasan na totoong nakaaapekto ang mga resibong ito sa kalu­sugan ng indibidwal.

Kaya, nagbababala ang mga dalubhasa na mag-ingat sa pagtatabi ng mga resibo o papel na gawa sa thermal paper, hindi umano ito dapat nakakasanayan ng lahat.

Kung hahawak din tayo sa resibo, mainam na maghugas ng kamay pagkatapos lalo na kung ang susunod na gagawin natin, eh, ka­kain dahil mabilis kumapit ang white pow­der sa ating mga kamay.

Marahil, marami sa atin ang hindi nani­niwala, pero dahil hindi tayo aware sa maa­aring maging resulta nito sa ating buhay, nga­yon pa lang dapat ay naghahanda at mas nagiging maingat na tayo sa mga bagay na ating ginagawa.

Katulad ng palagi nating sinasabi, wala namang masama kung susundin ang mga paalalang ito lalo na kung hindi ga­nu’n ka­hirap gawin o labag sa ating kagus­tuhan.

Kaya sa mga mahihilig mag-hoard ng resibo riyan sa kanilang mga wallet, i-let-go n’yo na ‘yan, mga beshy! Hindi n’yo na mai­babalik ang mga nagastos ninyo sa pamimili. Char!

Kung dehins n’yo naman mapigilan, ma­inam na maghanap ng ibang lagayan at hu­wag sa wallet na palagi nating dinadala kahit saan man tayo magpunta.

Ngayong 2019, mas pangalagaan natin ang ating mga sarili.

Copy? Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page