Depende raw sa time niya para makatrabaho ang aktres… RICCI, SINABON, BIGLANG-BAWI KAY LIZA
- BULGAR

- Jan 19, 2019
- 2 min read

TAMA ang ginawa ng baguhang artista at basketball player na si Ricci Rivero sa paghingi ng paumanhin sa kampo ni Liza Soberano dahil sa sinabi niyang depende kung may time siya para makatrabaho ang aktres. Iba talaga kapag may mga gumagabay sa mga baguhang artista sa showbiz.
For sure, pinayuhan nang mabuti si Ricci ng mga taong nagmamahal sa kanyang career kabilang na sina Dondon Monteverde at Erik Matti na mga boss niya sa Reality Entertainment film production.
Mukhang mabait at may breeding ang impression namin kay Ricci nu’ng una namin siyang na-meet sa office ni Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez. Nakatakda silang mag-promote ni Danzel Fernandez, anak ni Mayor Dan, ng movie nila na Otlum sa Sta. Rosa that time, kaya pati si Danzel, ipinakilala sa amin ni Mayor Dan.
Galing ng De La Salle University si Ricci taking up sports management. But something happened kaya nag-transfer siya sa University of the Philippines, Diliman at kumuha ng kursong tourism.
Inaabangan na ng kanyang mga fans si Ricci sa kanyang unang sabak sa game ng UP Maroons para sa susunod na UAAP. Mataas ang expectation ng mga UP fans sa pagpasok ni Ricci sa UP Maroons along with Kobe Paras.
When we asked him kung sino ang gusto niyang maging leading lady or ka-love team, wala pa siyang maibigay na pangalan. Pero umamin naman si Ricci kung sino ang kanyang celebrity crush.
“Ah, si Claudia (Barretto), but she does not want to enter movies po yata, eh,” lahad ni Ricci.
And speaking of Mayor Dan, muli siyang tatakbo bilang congressman ng Sta. Rosa sa susunod na eleksiyon. Last term na raw kasi niya bilang mayor.
Gaya ng ibang parent, nais din ni Mayor Dan na mai-produce ng pelikula ang kanyang anak na si Danzel someday. At tulad ng kanyang ama, gusto rin ni Danzel na pasukin ang pulitika after college.
In fairness, habang kausap namin si Danzel, maganda ang kanyang speaking voice at may laman ang mga sinasabi. Puwedeng-puwedeng maging politician si Danzel, huh?





Comments