9 patay sa car bombing
Jersey Sanchez
Jan 19, 2019
1 min read
SIYAM katao ang nasawi at 20 iba ang sugatan matapos ang car bombing sa isang police academy sa Bogota, Colombia.
Bago tuluyang sumabog, unang binangga ang naturang kotse malapit sa General Santander School.
Tinawag ni Colombia President Ivan Duque na ‘miserable terrorist act’ ang insidente.
Agad inutusan ni Duque ang pulisya para matugis ang mga nasa likod ng pag-atake.





Comments