top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Walang sikretong hindi nabubunyag...MGA TAONG RESPONSABLE SA PAGKAMATAY NG MGA BIKTIMA NG PALPAK NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2019
3 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

MAY quotation sa internet mula sa hindi nagpakilalang source ang nagsabi na ang coincidence o pagkakataon ay maliit na tsansa ng milagro. Naniniwala rin ako sa kaha­lagahan ng mga sinasabing coincidence na nagaganap sa ating buhay, subalit, sa mainit at nakapanlulumong isyu ng bakuna na nakapagdulot ng pagkakasakit nang malubha ay hindi masasabing “mere coinci­dence”ang mga ito. May da­hilan kung bakit paulit-ulit ang nagaganap na pagkamatay at pagkakasakit.

Kapag may mga paulit-ulit na ka­ganapan na may nalilikha ng pare-pa­rehong senyales, sintomas at pangya­yari na hindi pinahahalagahan ng iba ay nagbibigay na rin ng ebidensiya at ito ay nagiging matibay na tanggulan ng katotohanan. Sa kaso ng mga reci­pient ng nakapipinsalang bakuna, na­kitaan sila ng apat (4) na identified fatal risks na may kaugnayan sa nasabing bakuna: “anaphylactic allergic reaction, viscerotropism, neurotropism at in­crease in severity of dengue disease”.

Ang mga ito ay tugma sa submis­sion for authorization ng manufacturer nito noong Disyembre 22, 2015 sa Food and Drugs Administration ng Depart­ment of Health at sa kaso ng mga nama­tay na recipient ng nasabing bakuna, ang nagi­ging paulit-ulit na kaganapan ay ang kanilang pagpaparamdam na humihingi ng katarungan.

Sa mga biktimang nagpaparamdam, kabilang na si Renz Mart O. Lucaba, ang pang-isandaan at labing-isang (111) recipient ng mabagsik na dengue vac­cine na sumakabilang-buhay at su­ma­ilalim sa forensic examination ng Pub­lic Attorney’s Office Forensic Team (PAOFT).

Sa ibaba ay mababasa ang kuwento tungkol sa malubhang pagkakasakit ni Renz na humantong sa biglaang kama­tayan at ang pagsusuri ng PAOFT sa kanyang mga labi na naglalantad ng katotohanan hinggil sa kanyang kalu­nus-lunos at mapait na pamamaalam. Ito ay bahagi ng pagpapahayag ng saloobin ni Dr. Francisco Salcedo Cruz, MPH, public health at good governance expert tungkol sa naturang batang bik­tima ng bakuna. Ang sumusunod na mga talata ay salin sa Filipino mula sa orihinal na pagpapahayag sa wikang Ingles:

“Noong Enero 13, 2019, Linggo ng umaga, ang prestihiyosong PAO Fo­rensic Team ay naglakbay patungo sa Pabahay 2000 sa Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan”.

“Ang mga magulang ng labing-apat (14) na taong gulang na biktima ng Dengvaxia ay humiling sa Public Attorney’s Office na mabigyan ng medico-legal assistance ang kanilang anak. Hangad nila ang katotohanan sa tunay na mga pangyayari sa biglaang pagkamatay ng kanilang anak at ipinag­darasal nila ang katarungan”.

“Ang batang biktima ay nabakuna­han sa kanyang pinapasukang public school nang hindi nalalaman ng kan­yang mga magulang at wala ring permiso ng mga ito. Sinabi lamang ng bata sa kanyang mga magulang ang tungkol sa Dengvaxia nang magkaroon na siya nang paulit-ulit na sakit ng ulo at low grade fever”.

“Ang pinagdaanan niyang karamdaman ay mabilis at malubha, siya ay walang malay nang ma-admit sa Bulacan Provincial Hospital. Namatay siya nang araw ring ‘yun, marahil dahil sa severe dengue”.

“Ang preliminary PAO autopsy findings ay alin­sunod sa severe dengue. Nararapat na tandaan na pareho ang Dengvaxia vaccine virus at ang wild dengue virus na nagiging sanhi ng severe dengue”.

“Ito ang pangatlong (3) child death sa unang da­lawang (2) araw ngayong 2019 na maaaring may ko­neksi­yon sa walang pakundangang mass Dengvaxia vacci­nations. Ito ang panlimang (5) autopsy ng masi­sipag na miyembro ng PAO sa loob ng unang dalawang (2) Linggo ng Enero, 2019”.

“PAO Autopsy Case No.111. 600 actual child deaths. 20,000 serious child illnesses”.

“Hindi! Hindi namin tatanggapin na itong mga Dengvaxia child death at pagkakasakit ay estadistika lamang”.

“Tinutuklas namin ang katotohanan. Ipinaglalaban namin ang karapatan ng mga biktima. Pinagsisilbihan namin ang mga pamilya ng mga biktima. Ikinararangal namin at patuloy kaming naninindigan kasama ng PAO”.

“Lalaban kami para sa mga namamatay na bata”!

Habang pumapalaot ang mga kasong may kaug­nayan sa nasabing bakuna sa hukuman at maging sa Kagawaran ng Katarungan, tila isang mandirigmang nasusugatan si Dr. Cruz. Ang mga sugat na nilikha ng pagkakasakit at pagkamatay ng mga naturang biktima sa kanilang mga pamilya ay tila mga sugat ding personal na nararamdaman ng butihing doktor.

Habang siya ay nasusugatan, lalong nagiging matalas ang kanyang pluma sa pagsusulat ng kanyang mga saloobin hinggil sa isyu ng bakuna na nagbulid sa kapahamakan sa maraming biktima. Isa siyang man­dirigma na tumutudla ng mga salita na nakapagbubukas ng isipan sa katotohanan at nakapagbibigay ng lakas ng loob sa mga patuloy na lumalaban.

Inaasahan namin na patuloy naming makakasama ang mga katulad ni Dr. Cruz na buong karangalang ipinahahayag na naninindigan sila kasama ng PAO para sa pagtatamo ng hustisya sa mga buhay at suma­kabilang-buhay na mga biktima.

Ang mga itinuturing na “common pattern” na naghatid sa mga katulad ni Dr. Cruz sa aming tanggapan at nag-ugnay sa aming lahat sa adbokasiyang niya­ya­kap namin ngayon ay tunay kong ipinagpapasalamat sa ating Panginoon na Siya mismong nasa likod ng mga pambihirang pagkakataon.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page